YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 17, 2014

(Update) Isinampang kaso laban sa pulis na nanutok ng baril sa isang menor de edad sa Aklan, tuloy - WCPD

Posted November 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tuloy umano at inaantay nalang ang subpoena sa isinampang kaso laban sa pulis na nanutok ng baril sa isang menor de edad sa Aklan.

Ayon kay Women and Children Protection Desk (WCPD) Senior Police Officer 1 Babylyn Daylusan ng Kalibo PNP.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kanyang pamilya ang menor de edad at kasalukuyang inoobserbahan kung kailangan itong isailalim sa stress debriefing.

Samantala, nabatid na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 ang 23 anyos na pulis na si PO1 Noriel Policarpio matapos tutukan ng baril nitong ika-10 ng Nobyembre ang 14 anyos na binatilyo sa Old Buswang Kalibo Aklan.

Nakapagpyansa naman para sa kanyang pansamantalang kalayaan ang pulis nitong nakaraang Myerkules, Nobyembre 12.

No comments:

Post a Comment