YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

Lalaki sa Boracay, natagpuang patay sa kanyang boarding house

Posted November 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang lalaki sa Boracay ang natagpuang patay sa kanyang boarding house sa Barangay Manoc-manoc kagabi.

Nakilala sa police report ng Boraca PNP ang lalaking si John Solanoy, 45 anyos ng Poblacion, Nabas, Aklan.

Ayon sa may-ari ng boarding house, huling nakitang lumabas sa kanyang kuwarto si John kahapon ng umaga a hindi na lumabas para mananghalian at maghapunan.

Napag-alamang nitong Linggo pa umano masama ang pakiramdam ng lalaki, subali’t tiniyak naman nitong ‘ok’ siya nang tanungin ng kanyang mga kasama.

Samantala, dinala naman sa isang punerarya sa Poblacion Nabas ang labi ng nasabing lalaki para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment