YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 12, 2014

Lalaking Chinese national, nasalisihan sa Boracay

Posted November 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang lalaking Chinese national matapos na umano’y masalisihan sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, sumakay ang 28 anyos na biktima na nakilalang si Fei Teng sa tricycle papuntang D’Mall at nang makarating ay saka umano nalaman nitong bukas na ang zipper ng kanyang bag.

Nang suriin ay doon na nalaman ng biktima na nawawala na ang kanyang digital camera at Go Pro Band.

Samantala, nanniniwala naman ito na nasalisihan sya sa isla habang papunta ng D’Mall sa Balabag Boracay.

No comments:

Post a Comment