YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 20, 2014

Magkasintahang nag-away sa loob ng toilet ng isang bar sa Boracay, ikinustodiya sa BTAC

Posted November 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sa lock-cell up cell na ng Boracay PNP Station natuloy ang “deyt” ng dalawang magkasintahan matapos arestuhin dahil sa pag-iiskandalo sa isang bar sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang dalawa na sina Grace Inisa, 29 anyos at Jorge Estancia, 27 anyos  residente lahat sa isla.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang dalawa nang magtalo sa loob ng customer’s toilet ng nasabing bar kanina ng madaling araw.

Dahil sa nangyayaring iskandalo ay nagsimula na di umanong maglabasan ang iba pang mga costumer sa nasabing bar, kung kaya’t pumasok na rin doon ang security guard.

Dito nakita na sira na ang takip ng inodoro dahil sa pagwawala ng dalawa kaya minarapat ng sekyu na palabasin na lamang umano ang mga ito.

Subalit, nakikipagtalo parin di umano ang nobyo ng babae at habang papalabas ng palikuran ay pinagbabasag umano ang mga flower base na madaanan.

Kaugnay nito, inaresto ng sekyu ang dalawa at etinurn-over sa himpilan ng Boracay PNP Station.

Samantala, pinagbabayad naman ng nasa mahigit 30, 000 pesos na danyos ang dalawa.

No comments:

Post a Comment