YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

Manager ng isang resort sa Boracay, inireklamo ng sexual harassment

Posted November 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang manager ng isang resort sa Boracay ang inireklamo ng sexual harassment.

Sa present ng pulis sa Boracay, isinumbong ng 18 anyos na lalaki na hinalay ito ng nasabing manager.

Nagising na lamang umano ito kaninang umaga na nakahubad na ang kanyang short pants at brief at nasa aktong hinahalay ng lalaking manager.

Nagawa naman umano nitong tumakas sa suspek upang humingi ng saklolo sa mga pulis.

Aminado din ito na lasing siya at hindi naalala kung paano ito nakarating sa ibang resort, at kug paano nito nakilala ang suspek.

Samantala, minarapat naman nitong huwag nang magsampa ng kaso sa nasabing manager.

No comments:

Post a Comment