YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 24, 2014

Mass wedding sa isla ng Boracay, sa susunod na linggo na

Posted November 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa susunod na linggo na ang inaabangang kasalang-bayan o Mass Wedding sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, nilinaw ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay na tapos na ang kanilang pagtanggap ng mga aplikante at halos ‘all set’ na rin ang lahat para sa nalalapit na aktibidad.

Ayon pa sa HRP Office, 55 ang pumasa sa mga requirements katulad ng baptismal certificate, confirmation o kumpil, at mga seminar mula sa humigit-kumulang 60 aplikante.

Nabatid na mula pa sa ibang lugar nguni’t matagal nang nagtatrabaho sa isla ng Boracay ang mga ikakasal sa nasabing mass wedding.

Magugunita namang nais ng Simbahang Katolika na dapat magpakasal ang mga lalaki at babaeng nagsasama bilang mag-asawa dahil bahagi umano ito ng kanilang Kristiyanong obligasyon.

No comments:

Post a Comment