YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 18, 2014

Motorsiklo at mini-dump truck, nagbanggaan sa Boracay; 1, isinugod sa ospital sa Kalibo

Posted November 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na isinugod ngayon sa isang ospital sa bayan ng Kalibo ang 28 anyos na driver ng motorsiklo dahil sa tinamong grabeng sugat sa kanyang ulo.

Ito’y matapos na makabanggaan umano nito ang isang mini-dump truck na nagkokolekta ng mga basura kanina ng madaling araw sa Balabag Boracay.

Ayon sa Boracay PNP, hiniling muna ng iba nitong pamilya na huwag pangalanan ang biktima dahil baka mabigla ang ina nito sa pangyayari kapag narinig ang balita.

Samantala, naka-impound naman ngayon ang nasabing mini-dump truck sa Boracay PNP para sa kaukulang disposisyon habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

No comments:

Post a Comment