YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 03, 2014

PRC, magkakaroon ng “Festival of the Winds” sa Boracay

Posted November 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magkakaroon muli ng “Festival of the Winds” ang Philippine Red Cross (PRC) sa isla ng Boracay.

Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Schoenenberger, gaganapin ito sa isla sa ikatlong pagkakataon sa November 14-16 ng Boracay.

Tampok sa dalawang na araw na aktibidad ang pagkakaroon ng Junior at Senior Life Guarding, Lantern Parade, Ocean Swim & Adventure Run, at Paraw Regatta.

Magkakaroon din ng under water clean-up na pangungunahan ng mga taga-BASS o Boracay Association of Scuba School.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay sa pakikipagtulungan din ng lokal na pamahalaan ng Malay, Department of Tourism (DOT) at iba pang pribadong sector.

No comments:

Post a Comment