YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

Project Engineer ng isang kompanya, arestado kagabi sa kasong estafa

Posted November 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado kagabi sa isla ng Boracay ang isang project engineer na may kasong estafa sa syudad ng Iloilo.

Ayon sa report ng Boracay PNP, matapos isagawa ang joint operation ng BTAC at Iloilo Police Provincial Office Intel Section.

Naaresto ang akusado na kinilalang si Brian Zuñiga, 31 anyos ng Brgy. Sapao, Dumangas, Iloilo at kasalukuyang naninirahan sa So. Manggayad Brgy. Balabag Boracay.

Nabatid sa police blotter na si Zuñiga ay may kasong estafa na ibinaba ni Hon. Victorino Maniba, Jr., presiding judge ng RTC 6th Judicial Region, Branch 39 sa syudad ng Iloilo.

Samantala, matapos isagawa ang medical check-up sa Boracay Hospital, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng BTAC si Zuñiga para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment