YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

Regular na Joint Flag Raising Ceremony ng Boracay Action Group, kinansela

Posted November 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Kinansela kaninang umaga ang regular na Joint Flag Raising Ceremony ng BAG o Boracay Action Group.

Base sa impormasyon, ipinag-utos umano ni Mayor John Yap na ipagpaliban na lamang ang nasabing aktibidad at ipagpatuloy sa darating na December 2 kasabay ng pagkakaroon ng Command Center sa station 2 Boracay.

Nabatid na doon na rin mismo gaganapin ang flag raising ceremony, kasabay ng isang programa para sa pagdiriwang ng World Aids Day.

Samantala, nabatid namay ilang miyembro parin ng BAG ang pumunta sa Balabag Plaza kaninang umaga sa kabila ng advisory na ipinapakansela ang joint flag raising ceremony.

Ginaganap ang nasabing aktibidad sa Balabag Plaza tuwing ikalawang Lunes ng buwan na dinadaluhan ng mga law enforcers, volunteer groups at LGU Malay at stakeholders sa isla.

No comments:

Post a Comment