YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 27, 2014

Souvenir shop, ninakawan ng mahigit 10, 000 pesos kagabi sa Boracay

Posted November 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang ginang matapos umanong ninakawan ang kanyang souvenir sa Boracay kagabi.

Ayon sa blotter report ng BTAC, natuklasan ng biktimang si Marie Christy Ditablan, 34 anyos na nawawala na ang kanyang pitaka nang suklian na sana nito ang isa sa kanyang mga costumer.

Ipinahayag umano ng biktima na mga alas nuebe kagabi nang e-check nito ang CCTV Camera sa kanyang souvenir shop sa D’ Talipapa Boracay at nakita ang isang hindi matukoy na menor de edad na lalaki na kumuha di umano ng kanyang pitaka na nakalagay sa kanyang drawer.

Samantala, natangay naman ng nasabing suspek ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng 10, 300 pesos.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa kaso.

No comments:

Post a Comment