YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 28, 2014

SP Committee Hearing para sa supplemental budget ng LGU Malay sa Lunes na

Posted November 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sa Lunes na, Disyembre 1, tatalakayin ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang supplemental budget ng LGU Malay.

Ito’y sa pamamagitan ng isang Committee Hearing, kung saan unang nabatid na napagkasunduan ng mataas na konseho na ipagpaliban muna ang nasabing resolusyon mula sa SB Malay para sa karagdagang pag-aaral.

Nabatid sa Ordinance No. 002, Series of 2014 na nilagdaan sa SB Malay ang P91, 690,075.06 supplemental budget ng Malay bilang pondo para sa iba’t-ibang mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan.

Kabilang din sa proyekto na paglalaanan ng pondo ay ang mga kalsadahin sa mainland Malay at Boracay na hindi saklaw ng national road na hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Popondohan din ng LGU ang mga development projects ng ilang barangay sa Malay pati na ang ibat-ibang programa at serbisyo ng local government.

No comments:

Post a Comment