YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 17, 2014

Staff House ng isang resort sa Boracay, pinasok ng akyat-bahay; cell phone at pera, tinangay

Posted November 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang staff house ng isang resort sa Balabag, Boracay ang pinasok ng akyat-bahay kahapon.

Sa inisyal na imbistigasyon ng Boracay PNP, nagising na lamang ang isang lalaki sa kanyang staff house na sira na ang bintana at mosquito wire ng kanilang kuwarto.

Natuklasan na lamang umano nito ang kanyang wallet na wala nang laman sa likurang bahagi ng kanilang bintana at nawalala din ang kanyang Samsung Grand na cell phone.

Naniniwala naman ang biktima na sa bintana dumaan ang kawatan.

Samantala, napag-alamang natagpuan din ang wallet ng kasama ng biktima malapit naman sa isang staff house ng isang kainan sa lugar kung saan, wala na rin umano ang laman nito.

No comments:

Post a Comment