YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

Turistang Hapon sa Boracay, ninakawan at tinakasan ng nobya

Posted November 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang turistang Hapon ang ninakawan at tinakasan umano ng kasintahan sa Boracay kagabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, natuklasan na lamang ng 65 anyos na si Toshiharu Aizawa  na wala na ang kanyang 1 daang libong Yen o katumbas ng 40 libong piso sa kanyang luggage.

Itinuturo namang suspek ng Hapon ang mismong girlfriend.

Sumbong pa nito sa presento ng pulis, nag-away pa sila kagabi ng kanyang kasintahan bago ang insidente.

Napag-alamang pinabuksan pala nito sa housekeeping staff ng tinutuluyang hotel sa Barangay Manoc-manoc ang kanilang kuwarto at kinuha ang lahat ng kanyang mga gamit at tumakas.

Naniniwala naman ang Hapon na dala din ng suspek ang kanyang pera.

No comments:

Post a Comment