YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 15, 2014

12 Bagong promote na BTAC police, ipinakilala ng Boracay PNP

Posted December 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ipinakilala ng Boracay PNP ang kanilang 12 bagong promote na BTAC police.

Sa pamamagitan din ng isang streamer na may congratulatory message, pinangalanan ng Boracay PNP ang mga na-promote na pulis.

Nangunguna rito si PSIns.Fidel Gentallan na siyang Officer In charge ngayon ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center matapos sinibak sa pwesto bilang BTAC Chief si PSInsp. Mark Evan Salvo nito lamang nakaraang linggo.

Sumunod sa listahan sina SPO2 Ariel Estoya, SPO2 Lyn IbaƱez, SPO2 Hartzell Prado, SPO1 Joy Sablaon, SPO1 Jhonel Quitong, SPO1 Joenel Ombega, PO3 Frederick Kimpo, PO2 Emely Roldan, PO2 Cyril Ombid at PO2 Teddy Dalisay.

Nakatakda naman ang pinning of ranks sa mga napromote na pulis sa araw ng Lunes sa PRO 6 Camp Delgado Iloilo City.

Nabatid na sumailalim sa schooling ng mahigit apat na buwan at pumasa sa Neuro exam at interview sa Negros Regional Training Center ang mga nasabing pulis.

No comments:

Post a Comment