YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 16, 2014

2 magkasunod na stabbing incident, naitala sa Kalibo PNP kaninang madaling araw

Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang magkasunod na kaso ng pananaksak ang naitala kaninang madaling araw sa Kalibo Police Station.

Unang naitala ang unang pananaksak sa isang 22 anyos na lalaki na kinilalang si Marchgil Ramos ng Rosario, Malinao, Aklan, kung saan nagtamo ng dalawang beses na saksak  sa dibdib at limang beses sa likod.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, naglalakad ang biktima sa Martelino St. Kalibo nang napagdiskitahang saksakin ng hindi nakilalang suspek.

Sa kabilang banda, sinundan din ito ng isa pang kaso ng pananaksak nang maganap umano ang isang komosyon kanina ng madaling araw sa Roxas Avenue Kalibo.

Kinilala ang biktima na si Kelvin San Jose, 27 anyos ng Bacan Banga Aklan, na nagtamo ng apat na beses na saksak ng hindi rin nakilalang suspek .

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa mga nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment