YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 17, 2014

Babaeng Russian national, nabiktima ng snatcher

Posted December 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa mga pulis ang isang babaeng Russian national matapos na mabiktima ng snatcher sa Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Kristina Poyarko, 28 anyos, naglalakad ito sa Station 1 at beach front ng So. Diniwid Boracay nang magtanong ng direksyon sa isang lalaki doon.

Subalit hindi umano ito halos maka-intindi ng English, kaya kinuha nya ang kanyang HTC One S na cellphone para e-translate ang kanyang sinasabi.

Hindi akalain ng turista na biglang hinablot ng hindi nakilalang suspek na may edad 25-30 anyos ang kanyang cellphone at saka itinakbo.

Hinabol pa umano ito ng biktima subalit hindi na nya naabutan.

Nagpapatuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis para sa pagkakakilanlan ng suspek.

No comments:

Post a Comment