YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, December 07, 2014

Boracay command Center full force na kay bagyong Ruby

Posted December 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Full force ang ginagawa ngayong paghahanda ng Boracay Command Center para kay bagyong Ruby na maaaring umepekto sa isla ng Boracay.

Sama-sama ang ibat-ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa pangunguna mismo ni Mayor John Yap para paghandaan ang pananalasa ng nasabing bagyo sa isla.

Inihanda na rin ng mga ito ang kanilang mga kagamitan sakaling magkaroon ng ibat-ibang insidente sa isla dulot ng bagyong Ruby, kasama na ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga nagsilikas na residente sa evacuation center.

Kabilang naman sa mga tumulong dito ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coastguard, Philippine Red Cross, Department of  Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, patuloy ang abiso ni Mayor Yap sa lahat ng mga nakatira sa coastal areas sa isla na lumikas na sa mga inilaang evacuation center upang maiwasan ang kapahamakan.

No comments:

Post a Comment