YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 23, 2014

Boracay PNP, nag-muzzle taping na ng kanilang mga baril

Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nag-muzzle taping na ng kanilang mga baril ang mga taga Boracay PNP.

Ayon kay BTAC o Boracay Tourist Assistance Center Officer In Charge PSInsp.Fidel Gentallan, kahapon pa nila sinelyuhan ang kanilang mga baril upang matiyak na hindi magpapaputok ng kanilang service fire arm ang mga pulis ng Boracay PNP.

Bahagi ito ng pagtalima sa kampanya ng pamahalaan upang maiwasan ang indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Pinangunahan naman ni Gentallan ang muzzle taping sa mismong compound ng BTAC pagkatapos ng kanilang flag raising.

Samantala, nabatid na hindi lahat ng Boracay PNP personnel kahapon ang nakadalo sa muzzle taping dahil dumalo ang mga ito sa Fun Run para sa Kalikasan ng LGU Malay.

Napag-alamang kahapon din ang muzzle taping ng mga kapulisan sa Aklan Provincial Police Office na pinangunahan ni APPO Chief PSSupt. Iver Apellido.

No comments:

Post a Comment