YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 18, 2014

Boracay PNP, wala pang bagong hepe

Posted December 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nananatiling normal at smooth ang operation ng Boracay PNP station.

Ito ang kinumpirma mismo ng mga taga Boracay PNP matapos sinibak sa pwesto bilang hepe si PSInsp.Mark Evan Salvo.

Base kasi sa impormasyon, wala paring bagong hepe sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center na itinalaga ang APPO o Aklan Provincial Police Office.

Kaugnay nito, sinubukan ng aming himpilan na kunan ng update tungkol dito sina mismong APPO Acting Chief-Police Senior Superintendent Iver Apellido, at PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan, subali’t walang tugon ang mga ito.

Kinumpirma naman ni PSInsp. Fidel Gentallan na siya parin ang officer in charge sa Boracay PNP.

Sa kabila nito, nagpahayag ng kahandaan ang Boracay PNP ngayong Kapaskuhan para sa kaligtasan ng mga turista at lokal na residente sa isla.

Magugunitang sinabi ni Apellido na kasama sa police management ang pagkaka-relieve kay Salvo nitong nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment