YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 22, 2014

Grupo ng mga kalalakihan sa Boracay, nag-extend ng rambol sa BTAC

Posted December 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nag-extend ng kanilang rambol sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang dalawang grupo ng mga kalalakihan.

Ito’y matapos na sinuway ang utos ng mga pulis at patuloy pa rin sa pagkikipag-away kahit na nasa custodial investigation kanina ng madaling araw.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nag-ugat ang nasabing pangyayari ng suntukin sa mukha ni Dante Lachica, 24 anyos si Alvin Novilas, 27 anyos habang nag-aantay umano ng tricycle hanggang sa nagsisipagtulong na rin ang kanilang mga kasamahan, kung saan isang komosyon ang nangyari sa labas ng isang bar sa Balabag Boracay.

Samantala, nang sa loob umano ng patrol car papuntang police station, tinangkang suntukin ni Alvin Novilas si Dante Lachica subalit naharang ni Police Senior Inspector Fidel Gentallan.

Sinundan pa umano ito ng mga sunod-sunod na pananakot mula sa magkabilang grupo at hindi na nakinig sa payo at kahit pinagsabihan na ng mga pulis.

Kaya naman, ang resulta, sa BTAC na nag-extend ng kanilang komosyon ang mga nasabing grupo.

No comments:

Post a Comment