YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 23, 2014

In coming at outgoing call ng PANTELCO, hindi parin istable

Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

PANTELCO subscriber kaba at gustong tumawag sa labas ng Boracay?

Nagtataka karin ba kung bakit wala at napuputol kung minsan ang usapan nyo sa telepono ng kaibigan mo sa mainland?

Huwag magtaka dahil ang Repair and Maintenance Service na mismo ng PANTELCO o Panay Telephone Corporation ang nagkumpirmang hindi pa istable ang kanilang serbisyo.

Back up Radio lamang umano kasi ang pansamantala nilang ginagamit ngayon makaraang masira ng sumadsad na barge nitong nakaraang Martes ang kanilang submarine optic cable.

Dahil dito, nakakaranas parin umano ng pag-i-echo sa kabilang linya ang mga nag-uusap at kung minsan hindi ka talaga makakatawag.

Magkaganon paman, tiniyak din ng PANTELCO na patuloy nilang ginagawan ng paraan ang problema upang maibalik sa normal ang kanilang serbisyo.

Samantala, patuloy din umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Coastguard upang maaksyunan ng DBP Leasing Corporation na siyang may-ari ng sumadsad na barge ang kanilang reklamo.

Magugunitang pormal na naghain ng reklamo ang PANTELCO at AKELCO sa Philippine Coastguard laban sa nasabing korporasyon matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment