YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 04, 2014

LGU Malay naghahanda na para sa Higante Contest sa Ati-Atihan Festival 2015

Posted December 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naghahanda na ang Local Government Unit (LGU) Malay para sa Higante Contest ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2015.

Katunayan isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nais pasukin ni Malay Municipal Mayor John Yap sa pamamagitan ng Provincial Government ng Aklan kaugnay sa financial assistance para sa nasabing Contest.

Sa SB Session nitong Martes tinalakay ang nasabing MOA sa incoming and referral na ini-refer naman ni Vice Mayor Wilbec Gelito sa Committee on Laws para sa masusing pag-aaral.

Nabatid na magbibigay rin ng tulong financial ang Provincial Government tungkol dito ngunit hindi pa ito inilalabas sa ngayon.
Ang Higante Contest ay isa sa mga highlight ng Kalibo Ati-Atihan Festival sa darating na Enero 9-18, 2015 na kinatatampukan ng lahat ng bayan sa Aklan.

No comments:

Post a Comment