YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 25, 2014

Mga habal-habal drivers sa Boracay,humataw ngayong kapaskuhan

Posted December 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Humataw ngayong kapaskuhan ang mga habal-habal drivers sa Boracay.

Katunayan, nito lamang bispera ng Kapaskuhan, lalong sumikip ang kalsada dahil sa mga nasabing drayber na walang pakundangang nagpi-pick-up at nagbababa ng pasahero sa mga hindi tamang lugar.

Base pa sa impormasyon, wala ring pakundangan kung sumingil ang ilan sa mga ito lalo na kung mga turista ang kanilang pasahero.

Kapansin-pansin din na sadyang nagiging kaskasero ang ilan sa mga ito dahilan upang mabahala ang mga naglalakad sa daan.

Kaugnay nito, muling nagpaalala sa mga motorista ang mga otoridad na mag-ingat at sundin ang mga batas-trapiko.

Nabatid naman mula sa record ng Boracay PNP na marami nang askidente sa motorsiklo ang naitatala sa isla lalo pa kapag nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang nagmamaneho.

No comments:

Post a Comment