YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 08, 2014

Mga residenteng lumikas sa Boracay, pinayagan ng bumalik sa kanilang mga bahay

Posted December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinayagan na ni Malay Mayor John Yap ang mga residenteng nasa evacuation center na bumalik na sa kanilang mga bahay matapos mapag-alamang tinatahak ni bagyong Ruby ang Mindoro.

Bagamat nakataas parin ang storm signal number 2 sa lalawigan ng Aklan wala na rin itong gaanong epekto sa probinsya lalo na sa isla ng Boracay.

Nabatid na mahigit sa apat na raang pamilya ang mga lumikas sa mga evacuation center sa isla na inilaan ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Maliban sa Boracay pinabalik na rin ang mga lumikas na residente na nakatira sa mga coastal brgys. sa mainland Malay na nauna ng lumikas nitong araw ng Biyernes.

Sa kabilang banda ipinagbabawal parin ng Alkade ang paliligo sa karagatan ng Boracay hanggang sa hindi pa tinatanggal ang signal ng bagyo sa Aklan.

Samantala, wala namang naitalang insidente ang LGU kaugnay sa bagyong Ruby dahil sa preperasyon at koordinasyon ng mamamayan s
mainland Malay at isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment