YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 10, 2014

Mga trabahador sa Boracay na nagsiuwian dahil sa Bagyong Ruby, halos sabay ding bumalik sa isla

Posted December 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Halos sabay ding bumalik sa isla ang mga trabahador sa Boracay na nagsiuwian dahil sa Bagyong Ruby.

Dahil dito, punuan ang mga pasahero ng mga bus at pampasaherong sasakyan papuntang Caticlan mula kaninang umaga.

Nabatid na mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan ang mga trabahador mula sa hanay ng front office, housekeeping, hotel drivers at iba pang resort works, construction workers, at mga sales lady, ang nagsiuwian nitong Huwebes dahil sa pangamba sa Bagyong Ruby.

Ayon sa construction worker na si Mang Moreno, nag-alala siya na baka masira ng Bagyong Ruby ang ginagawa niyang bahay sa kanilang lugar kung kaya’t minarapat niyang lumiban sa trabaho at umuwi.

Samantala, maliban sa mga nagsiuwiang trabahador dahil sa bagyo, nabatid na may mga hindi umalis sa Boracay at pinili ang magdasal sa simbahan.

Nabatid na hindi na rin umalis sa isla ang iba pa dahil kasama naman nila ang kanilang pamilya sa isla.

Magugunitang isa rin ang Probinsya ng Aklan kasama na ang Boracay sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda nitong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment