YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 22, 2014

Mga turista sa Boracay, patuloy na ang pagbuhos dalawang araw bago magpasko

Posted December 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Abala ngayon ang Caticlan Jetty Port sa patuloy na pagbuhos ng mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay lalo na at dalawang araw nalang bago mag-pasko.

Katunayan nitong linggo ay halos araw-araw na nakakaranas ng mahabang pila ng mga pasahero ang nasabing pantalan.

Dahil dito pinaigting na rin ngayon ng Jetty Port Administration ang kanilang seguridad sa dalawang pantalan lalo na sa pagsuri ng mga bagahe ng mga pasahero.

Nabatid na dalawang unit ng luggage x-ray machine ang ginagamit ngayon sa Caticlan ngunit iisa lang dito ang pinapagana sa tuwing kukunti lang ang pasahero pero dahil sa patuloy na dagsa ng mga turista ay pinapaandar na rin ang isa nito.

Samantala, dahil sa dami ng magbabakasyon ngayong kapaskuhan pinaigting na rin ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang seguridad lalo na sa pag-inspekyon sa roro-vessel at mga bangka pati na sa buong karagatan na nasasakupan ng Boracay katuwang ang mga pulis na nag-momonitor naman sa mga terminal ng sasakyan.

No comments:

Post a Comment