YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 16, 2014

MS Costa Victoria, muling bibisita sa isla ng Boracay

Posted December 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Muli na namang naghahanda ang Aklan Provincial Government para sa maituturing na buwenamanong event sa Boracay sa taong 2015.

Kaugnay ito sa muling pagbisita ng MS Costa Victoria sa isla sa darating na buwan ng Enero.

Kaya naman muling magpupulong ang jetty port administration, Department of Tourism, Philippine Coastguard, kapulisan at iba pang ahensya sa isla sa araw ng Huwebes para sa nasabing aktibidad.

Magugunitang bumisita sa isla ng Boracay ang MS Costa Victoria nitong nakaraang buwan ng Pebrero sakay ang humigit-kumulang 2, 300 na mga pasahero at mahigit 800 crew.

Inaasahang muling papasyalan ng mga pasaherong sakay nito ang long beach at ilan pang lugar sa isla Boracay sa Enero 12, 2015.

No comments:

Post a Comment