YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 27, 2014

“Pagkakaisa at kapayapaan” Christmas wish ng mga Ati Community sa Boracay

Posted December 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

“Pagkakaisa at kapayapaan”.

Ilan lamang ito sa mga Christmas wish ngayong araw ng pasko ng mga Ati Community sa Ati Village ng isla ng Boracay.

Ayon naman kay Boracay Ati Village Chieftain Delsa Justo, nais umano nilang maging maayos ang mga tuntunin sa isla gayon din sa kanilang komunidad.

Samantala, hiling pa nito na sana ay maging maaayos na kung anu man ang naging problema sa Boracay nang sa ganon ay hindi matakot ang mga turistang magbakasyon sa isla at upang wala umano silang maging dahilan para hindi bumalik dito.

Nabatid na madami na rin ang naging pagsubok na dumaan sa buhay ng mga Ati Community sa Boracay dahil sa kanilang lupang nasasakupan na nauwi sa gulo.

Sa kabilang banda patuloy na nakakatanggap ang mga Ati sa nasabing Village ng mga tulong mula ibat-ibang National agencies at pribadong sektor sa isla ng Boracay lalo na ngayong pasko.

No comments:

Post a Comment