YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 08, 2014

PDRRMC Aklan, inaalam pa ang mga pinsalang naidulot ng bagyong Ruby sa probinsya

Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inaalam pa sa ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Aklan ang mga pinsalang naidulot ng bagyong Ruby sa probinsya.

Ayon kay Aklan PDRRMC Exec. Officer Galo Ibardolaza, sa ngayon ay wala pa silang naitatalang pinsala sa Aklan at kasalukuyan pa ring sinusuri ng kanilang ahensya ang iba’t-ibang bayan.

Sa kabila nito, sinabi ni Ibardolaza na kailangan pa rin umano ang ibayong pag-iingat ng mga residenteng inilikas mula sa mga mababang lugar.

Gayunpaman, base sa pinakahuling ulat ng PAGASA humina pa ang Bagyong Ruby habang tumatawid sa Sibuyan Sea.

Samantala, inaasahang magla-landfall naman sa ikatlong pagkakataon ang bagyo sa Northern Mindoro sa pagitan ng alas-6:00 ng gabi at alas-8:00 ng gabi.

No comments:

Post a Comment