YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 15, 2014

Dalawang kalalakihang miyembro ng gun for hire sa Aklan, arestado

Posted December 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dalawang lalaki na miyembro ng AWOL Gang (Gun for Hire) ang inaresto ng mga pulis sa bayan ng Makato, Aklan kaninang umaga.

Ito ay kinilalang sina Romic Piano, 25-anyos at Rey Piano, 37-anyos, parehong magsasaka at residente ng Brgy. Agbalogo, Makato, Aklan.

Inaresto ang mga ito ng pinagsamang pwersa ng Aklan CIDT sa pangunguna ni PCI John Paul Tovera, Aklan PINSP Keenan Ruiz, Aklan PSC PINSP Diogracias Diaz III at TPU SPO4 Angelito De Jose sa bisa ng warrant of arrest.

Ang dalawang naaresto ay dinala sa Aklan CIDT office para sa dokumentasyon habang pansamantala ang mga itong ikinustodiya sa Kalibo Police Station para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment