YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 16, 2014

Security Guard, na-hit and run ng isang van sa Boracay

Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagtamo ng sugat sa kanyang ulo at iba’-ibang bahagi ng katawan ang isang sekyu matapos na ma-hit and run ng isang van kagabi sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nakasakay sa isang bisekleta papunta sa pinagtatrabahuhang resort ang sekyu na kinilalang si Denis Desales, 31 anyos ng Panit-an Capiz nang mahagip ng isang van ng isa ring resort.

Base sa pahayag ng biktima, binabaybay nito ang kahabaan ng Balabag Boracay bandang alas 9:00 kagabi nang dumaan sa gilid ng naka-parking na van sa gilid ng kalsada.

Subalit, bigla na lamang di umanong tumakbo ang nasabing van at nasagi ang biktima dahilan upang mahulog ito sa kanyang sinasakyang bisekleta.

Samantala, sinuri naman ng BTAC ang pinakamalapit na CCTV Camera sa lugar subalit hindi makita ang plate number ng nasabing van.

Sa ngayon, ay patuloy pa rin na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito.

No comments:

Post a Comment