YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 05, 2014

Sekyu na umano’y nambugbog ng isang lalaki sa bar; nag-counter blotter sa BTAC

Posted December 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nag-reklamo din ngayon sa himpilan ng BTAC ang isang sekyu matapos na ireklamo ng isang lalaki ng pambubogbog kahapon ng madaling araw sa isang bar sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, inereklamo kasi umano itong si Mark Anthony Gabino, 30 anyos at sekyu ng isang bar sa Balabag na pinangyarihan ng gulo ni JC Rey Badiang, 25 anyos.

Sumbong ni “JC Rey” habang nasa loob umano ito ng nasabing bar ay sapilitan syang pinapalabas ng sekyu at kinompronta tungkol sa kanyang pagkilos.

Dahil dito, nagkaroon umano sila ng mainit na pagtatalo dahilan upang bigla syang bugbugin ng nasabing sekyu.

Samantala, ayon naman sa reklamo ng sekyu habang naka-duty umano ito ay nakita nyang lasing at nanggugulo na sa nasabing bar si “JC Rey” kaya nya umano ito pinapalabas.

Aminado naman ang sekyu na sapilitan nya umano itong pinapalabas nang sa gayon ay hindi na magdulot pa ng gulo sa loob ng nasabing bar.

Subalit bigla umanong kinuha nitong si “JC Rey” ang buckle ng kanyang sinturon at naghamon ng away sa nasabing sekyu kaya umano sila nagsuntukan.

Samantala, ine-refer naman ngayon ng BTAC ang kaso sa Brgy. Justice System para doon na magharap ang dalawa.

No comments:

Post a Comment