YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 22, 2014

Tricycle driver natagpuang patay sa canal sa Nabas,Aklan

Posted December 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang tricycle driver ang natagpuang patay sa canal sa Nabas, Aklan.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Nabas PNP, natagpuang nakahandusay sa canal sa tabi ng national highway ng Barangay Rizal, Nabas kahapon ng umaga ang biktimang si Willy Acosta, 40 anyos ng Barangay Dumlog, Malay, Aklan.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na may dalawang tama ng hindi natukoy na kalibre ng baril sa kanyang ulo at dibdib.

Nakita pa umano bandang alas 8:45 ng umaga kahapon huling nakita ang biktima na nagpabarya ng pera sa isang tindahan sa Jetty Port sa Barangay Caticlan,Malay, Aklan.

Samantala, dinala naman sa isang punerarya ang bangkay nito upang isailalim sa Post Mortem Examination, habang blangko pa ngayon ang mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek.

No comments:

Post a Comment