YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 15, 2014

(Update) PCG Boracay, nanawagan sa pamilya ng natagpuang bangkay sa isla ng Boracay

Posted December 15, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nananawagan ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) Boracay Sub Station sa pamilya ng natagpuang bangkay na palutang-lutang sa isla ng Boracay kahapon.

Kaugnay nito, base sa lumabas na imbestigasyon, nilinaw ni PCG Boracay Sub-station Commander Senior Chief Petty Officer Ronnie Hiponia na hindi ang mangingisda na nawala ang nasabing bangkay.

Anya, nakita na umano ito at nakauwi na sa kanilang bahay, kaya naman nanawagan na lamang ito sa kung sino man ang mayroong nawawalang kaanak na may edad 30 hanggang 40 anyos na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Samantala, nabatid sa blotter report ng BTAC na natagpuan kahapon ng hapon ang nasabing bangkay na palutang-lutang sa baybayin ng So. Bolabog Balabag Boracay, kung saan kaagad namang kinuha ng Boracay Action Group at Boracay Coast Guard.

No comments:

Post a Comment