YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 20, 2015

3 fish vendor sa Boracay, hinuli matapos mapag-alamang walang Mayor’s permit

Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hinuli ang tatlong mga fish vendor sa isla ng Boracay kagabi matapos na malamang nagtitinda na walang Mayor’s permit.

Ayon sa blotter report ng BTAC, sinita ng mga tanod sa Balabag Boracay ang tatlo habang nagtitinda ng isda kagabi sa lugar.

Subalit napag-alaman na wala palang permit ang tatlo, kung kaya’t kaagad kinumpiska ang mga paninda nito, pinagmulta at dinala sa himpilan ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment