YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 07, 2015

5 taong gulang na batang babae, hinostage kagabi sa Caticlan Jetty Port

Posted January 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nabulabog bandang alas syete kagabi ang Caticlan Jetty Port dahil sa pangho-hostage ng isang lalaki sa isang batang babae.

Nakilala ang suspek na si Diodelson Billona, 30 anyos ng Montalban Rizal na sinasabing sumakal sa limang taong gulang na bata ng Binguan Iloilo.

Base sa inisyal na impormasyon, isang drayber ng L300 Van na si Melandro Nood alyas “Milan” ang humila sa suspek na nagresulta sa pagkakarekober sa biktima.

Bagama’t tumanggi munang magbigay ng detalye sa insidente ang Malay PNP, kinumpirma naman ng mga ito na nasa kustodiya na nila ang suspek.

No comments:

Post a Comment