YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 10, 2015

Boat man, natagpuang patay sa Unidos, Nabas, Aklan

Posted January 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang boatman ang natagpuang patay sa Sitio Sumagawsaw, Barangay Unidos, Nabas, Aklan kagabi.

Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP, may gunshot wound o tama ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng ulo ang biktimang si Mike Malacad, 29 anyos ng San Jose Romblon nang matagpuan sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon, umaandar pa at naka side stand ang motorsiklo ng biktima nang maratnan ng mga taga Nabas PNP.

Ayon pa kay Calzado, malayo ang mga kabahayan sa lugar kung kaya’t walang residente doon ang nakarinig ng putok o nakasaksi sa insidente.

Samantala, base pa sa imbistigasyon, hinatid ng biktima ang hiniram nitong motorsiklo sa Tagaroroc, Nabas, Aklan subali’t maaaring tinambangan umano ito at binaril.

Napag-alaman din na nagdedeliver ng coco lumber sa isla ng Boracay ang biktima.

No comments:

Post a Comment