YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 23, 2015

Eleganteng barkong MS Celebrity Century dadaong sa isla ng Boracay ngayong Pebrero

Posted January 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Katulad ng mga eleganteng cruiseship na dumaong sa isla ng Boracay, dadaong din ngayong darating na Pebrero 3, 2015 ang MS Celebrity Century.

Sa ginawang pagpupulong ng Jetty Port Administration kahapon kasama ang Wallem Philippines na siyang kumpanya na humahawak ng nasabing barko para sa tour nito sa bansa, dito napag-usapan ang mga preparasyon at seguridad na ilalatag para sa maiden call nito sa darating na Pebrero sa isla.

Nabatid na sakay nito ang estimated passenger mula sa ibat-ibang bansa na 1, 835 kasama na ang 875 na crew na kung saan ay mayroong 224 filipino crew.

Dahil sa ito ang kauna-unahang pagbisita ng naturang barko sa isla, isang maiden call naman ang isasagawa ng provincial government ng Aklan katuwang ang Wallem Philippines na kung saan magkakaroon ng exchange of Plaques sa loob ng barko.

Kasabay nito ilang Private at Government Officials mula sa probinsya ang inaasahang aakyat sa barko sa loob ng ilang oras para rin sa isang Tour.

Napag-alaman na bababa naman ang mga sakay nitong pasahero para ikutin ang magagandang lugar sa isla lalo na ang beach area at ang pagkakaroon ng island hopping activity.

Ayon naman kay Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, kung ano umanong paghahada ang kanilang ginawa noong mga nakaraang pagbisita ng ibang cruiseship sa isla ay ganoon din ang kanilang gagawin para dito.

Samantala, ito ang pangatlong barko na dadaong sa Boracay kung saan 12 pa ang inaasahang bibisita sa isla ngayong taong 2015.

No comments:

Post a Comment