YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 23, 2015

Fire Code Compliance Inspection ng BFP Boracay, nagpapatuloy pa rin

Posted January 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpapatuloy pa rin ngayon ang ginagawang Fire Code Compliance Inspection ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay.

Ayon kay SFO2 Alfred Rome ng BFP Boracay, sa kabila ng kanilang “busy schedules” dahil sa mga naka-pending na mga permits ng ilang establisyemento sa isla.

Nakaalerto pa rin umano ang kanilang hanay upang siguraduhin ang kaligtasan ng publiko lalo na ng mga turista.

Kaugnay nito, dinagdagan na rin umano ang mga tauhan sa BFP Boracay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na APEC Summit ngayong taon.

Samantala, nabatid na nais malaman ng BFP Regional Office VI kung nasusunod ba ang itinakdang fire code compliance of the Philippines sa lahat ng mga establisyemento sa isla ng Boracay.

Kaya naman maging ang mga boardinghouses at mga paupahang apartment sa Boracay ay inaasahang imomonitor din ng BFP para sa kaligtasan ng lahat ng mga nakatira lalo na at dikit dikit na rin ang mga building sa isla.

No comments:

Post a Comment