YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 06, 2015

Ibat-ibang usapin muling tatalakayin sa pagbubukas ng unang SB Session ng Malay ngayong taon

Posted January 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Matapos ang mahabang bakasyon muling magbubukas ngayong unang Martes sa taong 2015 ang SB Session sa bayan ng Malay.

Isa sa mga inaasahang pag-uusapan dito ay ang paghahanda para sa nalalapit na Boracay Sto. NiƱo Ati-Atihan na gaganapin ngayong darating na Enero 9 hanggang 11 at ang nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Mayo.

Nabatid na ilang proyekto rin para sa taong 2015 sa isla ng Boracay at bayan ng Malay ang nakatakdang pag-usapan ng Sangguniang Bayan kabilang na dito ang widening project sa isla at ang e-trike implementation program.

Samantala, katulad ng inaasahang bubusisiin din ng mga local officials kung ano pa ang kanilang paglalaanan ng kanilang pondo ngayong taon maliban sa nauna nilang tinatarget na proyekto para sa mga naturang lugar.

No comments:

Post a Comment