YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, January 18, 2015

Ilang kalsada sa Kalibo, sarado na para sa 28 tribung kasali sa Ati-atihan 2015

Posted January 18, 2015
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Isinara ng KASAFI o Sto.NiƱo Ati-atihan Festival ang ilang kalsada sa bayan ng Kalibo.

Ito’y upang bigyang daan ang 28 tribung kasali sa Ati-atihan 2015.

Partikular na isinara ang crossing Banga to Kalibo na magsisilbing assembly area ng mga Ati Tribe.

Nabatid na babagtasin ng mga ito ang kahabaan ng Mabini Street papuntang Archbishop Street at Pastrana Park.

Sa kabilang banda, ang mga nasabing kalahok ay kinabibilangan ng Big Group at Small Group, kasama na ang Balik Atio Group.

Inaasahan namang dadagsa dito ang libu-libong katao mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan at mga balik-bayan.

Samantala, matapos ang isasagawang judging ngayong umaga, ay magka-kanya-kanya ang mga nasabing grupo na ikutin ang pangunahing area ng bayan ng Kalibo para sa Ati-atihan 2015.

No comments:

Post a Comment