YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

Lalaking Portuguese national, inereklamo sa BTAC matapos tumangging magbayad ng bill sa restaurant

Posted January 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inereklamo ng management ng isang restaurant sa Balabag Boracay ang lalaking Portuguese national matapos na magwala sa nasabing lugar kagabi.

Ito’y matapos na magalit umano ito nang iabot sa kanya ang bill ng kanyang mga kinain.

Hindi umano kasi makapaniwala ang turistang si Osorio Donizeti Santa Ana sa laki ng kanyang babayaran.

Subalit iginiit ng Dining Manager na si Vanessa Andrade na voided na ang nasabing bill at kailangan nya itong bayaran.

Sa kabila nito, tumanggi na ang Dining Manager ng nasabing restaurant na sabihin ang halagang babayaran ng turista.

Samantala, nang magharap sa himpilan  ng BTAC ay nagkasundo din ang huli na sa pagitan na lamang nila aayusin ang kaso.

No comments:

Post a Comment