YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, January 18, 2015

Mag-asawang Russian National nakipaghabulan sa mga kawatan sa Boracay

Posted January 18, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakipaghabulan sa mga kawatan sa Boracay ang mag-asawang Russian National kahapon.

Ninakaw kasi ang kanilang gamit habang nag-swimming sa beach ng station 3.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, naliligo ang mag-asawang Melnikov Yury at Elena Melnikova nang mapansin umano nila ang dalawang lalaki na kumuha ng kanilang bag at kaagad tumakas.

Kaagad umano nilang hinabol ang mga kawatan, subali’t nabigo silang mabawi ang kanilang bag na naglalaman ng Canon D550 18-200 Camera, P1, 500.00, Sun Glass at shorts.

Samantala, sa presento na lamang ng Boracay PNP nagreport ang mag-asawa sa pag-asang mabigyang hustisya ang minalas na bakasyon.

No comments:

Post a Comment