YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 20, 2015

Mga pasaway na komisyoner sa long beach ng Boracay, lilinisin na para sa APEC

Posted January 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Apat na buwan na lang at gaganapin na ang APEC Summit o Asia-Pacific Economic Cooperation sa isla.

Kaugnay nito, patuloy ang pagpupulong at paghahanda ng iba’t-ibang ahensya sa isla upang maging maayos ang lahat para sa pagdating ng APEC delegates.

Subali’t aminado ngayon si Boracay Island Chief Operations Officer Glenn Sacapaño na nag-aalala ito para sa mga nasabing delegates na maaaring madismaya sa mga pasaway na komisyoner sa isla.

Dahil dito, sinabi ni Sacapaño na lilinisin na ang mga nasabing komisyoner sa long beach ng Boracay lalo pa’t matagal na rin umano nila itong ipinagbabawal.

Samantala, pinaalalahanan din ng administrador ang mga naghahanap buhay sa Boracay nguni’t pasaway at walang permit.

Ayon kay Sacapaño, kailangan nilang maghigpit sa pagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang turismo ng Boracay.

No comments:

Post a Comment