YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 19, 2015

PRO 6 may bago nang DRDO

Posted January 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Maaaring makitaan ng pagbabago sa operasyon ang buong Boracay PNP station.

May bago narin kasing DRDO o Deputy Regional Director for Operation ang Police Regional Office 6 sa katauhan ni PSSUPT Jose Velasquez Carillo.

Nabatid na bumisita sa Boracay PNP nitong Biyernes si Carillo at nakipagpulong kay Boracay PNP OIC PSI Fidel Gentallan at sa iba pang department heads nito.

Ilan lamang sa napag-usapan sa nasabing pakikipagdayalogo ang tungkol sa duty scheme at sitwasyon ng mga kapulisan sa isla.

Samantala, nabatid na panay din ang pagbisita ng mga mataas na opisyal ng APPO o Aklan Police Provincial Office sa isla upang matiyak ang seguridad nito.

No comments:

Post a Comment