YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 28, 2015

Resort owner sa Boracay, pinakulong ang Koreanong guest matapos magwala at mag-eskandalo

Posted January 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dinalaw ng kapwa Korean National nitong hapon sa kulungan ng Boracay PNP ang isang turista matapos pinakulong ng isang resort owner sa Boracay.

Nagwala at nag-eskandalo umano kasi ito kagabi sa tinutuluyang resort sa Station 1 Balabag at binantaan pa ang may-ari ng nasabing resort.

Base sa police report ng Boracay PNP, lasing ang 51 anyos na suspek at nagsisisigaw kagabi dahilan upang maistorbo ang ibang guest doon.

Nilapitan umano ito ng security guard ng resort at pinakalma, subali’t patuloy itong nagwala.

Nang dumating ang mga pulis, nagmayabang din umano nito na meron siyang hit man at binantaang papatayin ang may-ari ng resort, pati ang pamilya nito at ang kanyang mga tauhan.

Samantala, ‘wa epek’ naman ang pagdala sa kanya sa presento ng mga pulis, dahil hindi parin tumigil sa pag-i-eskandalo kung kaya’t ipasok na ito sa lock up cell.

No comments:

Post a Comment