YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 22, 2015

Technical Working Group, nais itatag ng SB Malay kaugnay sa easement rules sa Boracay

Posted January 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na magpasa ng resolusyon para magbuo ng Technical Working Group kaugnay sa easement rules sa Boracay.

Ito ang nakasaad sa incoming and referral sa isinagawang SB Session ng Malay nitong Martes na kung saan ay pag-aaralan naman ito ng committee on Laws.

Nabatid na ito ay tungkol sa apela ni SB Member Jupiter Gallenero na may kaugnayan sa 15 meters both side easement sa kalsada ng Boracay.

Napag-alaman na nais nitong makakuha ng kopya mula sa Supreme Court ng mga easement rules dahil sa hindi nito pagpabor sa desisyon ng korte na widening sa kalsada ng Boracay dahil sa marami ang apektado nito.

Samantala, nakatakda naman itong pag-usapan sa susunod na SB Session ng Malay sa ilalim ng pag-aaral ni SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre.

No comments:

Post a Comment