YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 05, 2015

2 sekyu, nagrambol sa Boracay

Posted February 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

May bukol sa noo na nagreklamo sa Boracay PNP Station ang isang sekyu matapos umanong suntukin ng kapwa sekyu sa Balabag Boracay kagabi.

Ayon sa biktimang si Rafael Tamboong, Jr., 40 anyos, nasa duty ito nang bigla na lamang di umanong nilapitan ng kapwa sekyu na si Rached Barredo, at sinuntok sa noo sa hindi nalamang dahilan.

Dahil dito, bumuwelta din umano ng suntok ang biktima na naging dahilan upang mag-rambol silang dalawa sa lugar’ kung kaya’t inawat ito ng isa pang sekyu doon.

Samantala, ipinagkatiwala naman ngayon ng BTAC ang nasabing kaso sa Barangay Justice System.

No comments:

Post a Comment