YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 05, 2015

3 babae sa isang bar, nagrambol dahil sa customer

Posted February 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Galos at pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng tatlong mga kababaihan matapos mag-rambol sa isang bar sa Boracay.

Itinuturong dahilan, agawan sa kanilang mga costumers.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, dinala ng sekyu ng nasabing bar ang mga babae na kinilalang sina “Jinky”, “Shynmar”, at “Jhingky” sa kanilang himpilan matapos na mag-away.

Samantala, nang sa himpilan ng mga pulis ay tuloy pa rin umano ang mga ito na nagpapasaringan ng mga hindi magagandang salita.

Ipinagkatiwala naman ngayon ang kaso sa Barangay Justice System ng Balabag.

No comments:

Post a Comment